{"product_id":"dosage-of-serotonin-by-inksteady-trade-paperback","title":"Dosage Of Serotonin by Inksteady - Trade Paperback","description":"\u003cp\u003eAng hirap palang tumanda.\u003c\/p\u003e \n\n\u003cp\u003eAng hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka.\u003c\/p\u003e\n\n\u003cp\u003eTulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa.\u003c\/p\u003e\n\n\u003cp\u003eIyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan.\u003c\/p\u003e \n\n\u003cp\u003eKaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama.\u003c\/p\u003e\n\n\u003cp\u003eKahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa.\u003c\/p\u003e","brand":"Precious Pages Corporation","offers":[{"title":"Default Title","offer_id":45115037122675,"sku":"9786210310825","price":529.0,"currency_code":"PHP","in_stock":false}],"thumbnail_url":"\/\/cdn.shopify.com\/s\/files\/1\/0693\/1041\/4963\/files\/9786210310825-01.jpg?v=1784773862","url":"https:\/\/nationalbookstore.com\/products\/dosage-of-serotonin-by-inksteady-trade-paperback","provider":"National Book Store","version":"1.0","type":"link"}