{"product_id":"hes-into-her-limited-edition-season-1-3-box-set-by-maxinejiji-trade-paperback-wattpad","title":"He's Into Her Limited Edition Season 1-3 Box Set by Maxinejiji - Trade Paperback - Wattpad","description":"\u003cp\u003eHE’S INTO HER SEASON 1 \u003cbr\u003e\n \u003cbr\u003e\n That's me, Deib Lohr Enrile. Oo, isa akong bully. Pero nag-promise ako na magbabago na sa huling taon ko sa high school para sa babaeng nagugustuhan ko. Pero mahirap palang magbago kapag may babaeng tumingin sa `yo nang masama, kaya `ayun pasimple ko siyang pinatid.\u003cbr\u003e\n Bad trip naman kasi talaga ang Maxpein del Valle na iyon, transferee sa school namin. I hate her guts. Siya lang kasi ang lumaban sa lahat ng binully ko, kaya siyempre, hindi ako magpapatalo. Iyon nga lang, hindi ko maintindihan kung bakit parang unti-unti, nagagawa niyang baguhin ang pananaw ko sa buhay dahil sa makatwiran niyang prinsipyo. Teka, ibig bang sabihin, nagugustuhan ko na si Maxpein?\u003cbr\u003e\n Hindi! Hindi puwede.\u003cbr\u003e\n \u003cbr\u003e\n \u003cbr\u003e\n HE’S INTO HER SEASON 2\u003cbr\u003e\n \u003cbr\u003e\n Naiinis ako! Alam n'yo kung bakit? Ipinipilit kasi ng isa sa mga best friend ko na may gusto ako kay Maxpein. Wala nga, at hindi nga puwedeng magkagusto ako sa kanya. Bakit? Dahil hindi kami bagay. Kaya naman kailangan kong patunayan na wala akong nararamdaman para sa babaeng iyon. Kaso lang, may epal na biglang umeksena. May lalaking nagkagusto kay Maxpein, idagdag pa ang epal din niyang ex-boyfriend na nangungulit pa rin sa kanya. Bigla, parang iba na ang dahilan kung bakit ako naiinis.\u003cbr\u003e\n Parang tama nga yata ang best friend ko. May gusto na nga ako kay Maxpein!\u003cbr\u003e\n Maldo Andwae! Maldo Andwae!\u003cbr\u003e\n \u003cbr\u003e\n \u003cbr\u003e\n HE’S INTO HER SEASON 3\u003cbr\u003e\n \u003cbr\u003e\n Yes, proud akong sabihin na kasama na talaga ako sa samahan ng mga taong in love. Mula sa pagiging campus bully, nagbago ako dahil kay Maxpein. I'm so addicted to her. Kaso, hindi ko alam na sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, minsan, lumalampas na kami sa limitasyon.\u003cbr\u003e\n Dala ng frustration dahil sa limitasyon na iyon, doon na nagsimula ang love-war-love na drama namin. Ang hirap din pala talagang ma-in love. Pero… may mas mahirap pa pala kaming pagdadaanan ni Maxpein. Nagising na lang kasi ako isang araw na pati pamilya namin, damay na. Already there are lies, pains and even deaths. Malagpasan kaya namin ang lahat ng ito? Sana…\u003c\/p\u003e","brand":"Precious Pages Corporation","offers":[{"title":"Default Title","offer_id":44441186402419,"sku":"9789055645718","price":2097.0,"currency_code":"PHP","in_stock":false}],"thumbnail_url":"\/\/cdn.shopify.com\/s\/files\/1\/0693\/1041\/4963\/files\/9789055645718.jpg?v=1773662131","url":"https:\/\/nationalbookstore.com\/products\/hes-into-her-limited-edition-season-1-3-box-set-by-maxinejiji-trade-paperback-wattpad","provider":"National Book Store","version":"1.0","type":"link"}