{"product_id":"lib00603-school-trip-6-mass-market-cc-fiction-literature","title":"Lib00603 School Trip 6 - Mass Market Cc - Fiction \u0026 Literature","description":"\u003cp\u003eSilang lahat ay may motibo para pumatay... pero sino sa kanilang pito na kasama sa school trip na iyon ang tunay na pumapatay? \u003cbr\u003e\nSi Damian—matalino, guwapo, at mabuting tao. Palaging top one sa klase. \u003cbr\u003e\nSi Georgina—maganda at anak-mayaman pero masama ang ugali. Kasama ang mga kaibigan, mahilig siyang mam-bully ng mga kaklaseng hindi niya gusto. Isa na roon si Damian. Dahil sa kaklase niyang ito, palagi na lang siyang second best sa klase. At ngayon, mukhang ito pa ang magiging valedictorian na hinding-hindi niya papayagang mangyari! \u003cbr\u003e\nSi Teacher Catherine—isang mabuti at masipag na teacher. Mula pagkabata, pinangarap na niya ang propesyong iyon at hindi naman siya nabigo. Nagsilbi siyang patnubay sa lahat ng kanyang estudyante, lalo na kay Damian na kahit hindi magsabi ay mukhang may pinagdadaanan sa buhay. \u003cbr\u003e\nAt sina Lena, Julian, Celine, Ron, at. Carlson—ang mga kaibigan at kapwa bullies ni Georgina. Nagsimula sa isang outing na humantong sa kamatayan ni Damian-- iyon ay dahil sa pambu-bully ng grupo nina Georgina. Lumipas ang mga taon, inakala nina Georgina na tuluyan na nilang natakasan ang kasalanang nagawa nilang itago. Pero sa muli nilang pagkikita-kita at muling pagbabalik sa islang pinangyarihan ng insidente, nagsimula ang madugong bangungot na hindi nila akalaing mararanasan nila...\u003c\/p\u003e","brand":"Precious Pages Corporation","offers":[{"title":"Default Title","offer_id":66789417681011,"sku":"9786214019168","price":159.0,"currency_code":"PHP","in_stock":true}],"thumbnail_url":"\/\/cdn.shopify.com\/s\/files\/1\/0693\/1041\/4963\/files\/9786214019168.jpg?v=1791253873","url":"https:\/\/nationalbookstore.com\/products\/lib00603-school-trip-6-mass-market-cc-fiction-literature","provider":"National Book Store","version":"1.0","type":"link"}