{"product_id":"mga-kwentong-pambata-si-kiko-at-ang-buwaya-two-language-ni-christine-balagtas-trade-paperback","title":"Mga Kwentong Pambata: Si Kiko At Ang Buwaya (Two Language) Ni Christine Balagtas - Trade Paperback","description":"\u003cp\u003eSi Koko ay isang bata na gustong makakita ng buwaya. Si Buwa ay isang batang buwaya na gusto ring makakita ng tao.\u003cbr\u003e\nHanggang isang araw naligo sa ilog si Koko, nagkataon naroon din at lumalangoy si Buwa at silang dalawa ay nagkagulatan, kumaripas sila ng langoy palayo sa isa’t isa, ngunit halos sabay huminto ng paglangoy at kapwa lumingon at nagkatinginan.\u003cbr\u003e\nSi Koko ang unang lumapit kay Buwa, at sila ay naging magkaibigan. Nang umuwi ay agad ibinalita ni Koko sa kanyang ama ang tungkol sa bago niyang kaibigang si Buwa, at siya ay pinagalitan ng kanyang ama.\u003cbr\u003e\nMaging si Buwa ay napagalitan rin ng ama. Kapwa sila pinagbawalang magkita, subalit nagagawa pa rin nilang magkita at maglaro. Sumasakay si Koko sa likod ni Buwa, inakala ng mga tao na kakainin si Koko ng buwaya kaya pinagtulungan nilang hulihin si Buwa.\u003cbr\u003e\nUmiyak si Koko at nakiusap sa kanyang ama na pakawalan na si Buwa. Nakinig ang kanyang ama at napakawalan nga si Buwa.\u003cbr\u003e\nLumipas ang maraming taon bumalik si Koko sa Palawan meron na siyang asawa at anak. Pumunta si Koko sa dating ilog kung saan, nakita niya noon si Buwa, at muli ay nakita niya ito, meron na ring mga anak. Hindi man sila lumapit sa isa’t isa kapwa sila masaya, na nakitang muli ang isa’t isa. Hindi nila nakalimutan ang kanilang pagkakaibigan.\u003c\/p\u003e","brand":"S.G.E. Publishing Inc","offers":[{"title":"Default Title","offer_id":45351252787315,"sku":"9789713622068","price":69.0,"currency_code":"PHP","in_stock":true}],"thumbnail_url":"\/\/cdn.shopify.com\/s\/files\/1\/0693\/1041\/4963\/files\/9789713622068.webp?v=1791358862","url":"https:\/\/nationalbookstore.com\/products\/mga-kwentong-pambata-si-kiko-at-ang-buwaya-two-language-ni-christine-balagtas-trade-paperback","provider":"National Book Store","version":"1.0","type":"link"}