{"product_id":"somewhere-between-us-by-je-legaspi-trade-paperback","title":"Somewhere Between Us by J.E. Legaspi - Trade Paperback","description":"\u003cp\u003eNakilala ni Yohan Alonzo si Renzo Guzman nang lumipat siya sa Benjamin Lazaro University o BLU. Si Renzo ay isang Architecture student at miyembro ng Steps Masters, ang pangkat ng mga mananayaw ng BLU. Samantalang si Yohan ay Marine Transportation student at bagong lead vocalist ng Neon, ang sikat na pop band ng university.\u003cbr\u003e\n Si Renzo ay nobyo ni Joanna, ang kapatid ni Yohan sa ama na hindi siya tanggap. Naging malapit sila ni Renzo mula nang madiskubre nitong muling nagkabalikan si Joanna at ang ex-boyfriend nitong si Ricky.\u003cbr\u003e\n Habang lumalalim ang pagkakaibigan nila ni Renzo, mas naging magaan ang loob niya rito at hindi niya rin maitago ang nararamdaman—ang kakaibang tibok ng puso niya tuwing magkasama sila. Kahit may mga sandaling nagseselos siya at hindi niya maunawaan ang sarili, pinili niyang manatili sa tabi nito. Hanggang sa nagtapat si Renzo ng tunay na damdamin nito sa kaniya. Gusto siya nito at nais siya nitong ligawan.\u003cbr\u003e\n Nang sinagot ni Yohan si Renzo, saka naman nagparamdam si Joanna. Nais nitong makipagbalikan kay Renzo. Nagkahiwalay uli ito at si Ricky. Pareho silang hindi pumayag sa nais mangyari ni Joanna. Ngunit nang sinabi ni Joanna na tatanggapin siya nito bilang kapatid pero ibabalik niya si Renzo rito, nagdalawang-isip siya. Ipaglalaban ba niya ang kaniyang pag-ibig o aasahan ang pagtanggap ng kaniyang kapatid?\u003c\/p\u003e","brand":"Acts 29 Publishing","offers":[{"title":"Default Title","offer_id":45238567862387,"sku":"9786215110284","price":100.0,"currency_code":"PHP","in_stock":false}],"thumbnail_url":"\/\/cdn.shopify.com\/s\/files\/1\/0693\/1041\/4963\/files\/9786215110284-02.jpg?v=1785208433","url":"https:\/\/nationalbookstore.com\/products\/somewhere-between-us-by-je-legaspi-trade-paperback","provider":"National Book Store","version":"1.0","type":"link"}