Desaparesidos (2023 Edition)
Shipping calculated at checkout.
Earn 2.95 Sulit Coins from this purchase
Overview
“Ang tagumpay ni Bautista ay mahirap ihanap ng katapat sa mga akda ng mga kapanahon niya . . .”
–BIENVENIDO LUMBERA, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
Ito ang kuwento ni Anna, isang inang napawalay sa kanyang sanggol nang madakip siya ng militar dulot ng kanyang pakikibahagi sa rebolusyonaryong aktibidad laban sa rehimeng diktadurya ni Marcos. Sa gitna ng kalunos-lunos na abuso na kanyang dinanas sa kamay ng walang-awang militar, tanging ang pagbalik niya sa kanyang anak ang pinaghugutan niya ng lakas at pag-asa. Mga dalawampung taon pagkaraan, at walang kasiguraduhan kung nabubuhay pa nga ba ang anak, patuloy si Anna sa paghahanap, kahit pa’t siya’y nakabuo na ng bagong pamilya.
Sa nobelang ito iginuguhit ni Bautista kung paano nawasak ng batas militar ang napakaraming pamilya, at kung paanong ang galit at sakit na dulot nito ay di sinasadyang naipamamana ng mga magulang sa kanilang mga anak
Si LUALHATI BAUTISTA ay nagsimulang magsulat sa edad na disisais. Ang mga unang kuwento niya’y nailathala sa Liwayway at sa mga antolohiya ng maiikling kuwento. Nakamit niya ang unang gantimpala sa Palanca para sa mga nobelang ’Gapô (1980), Dekada ’70 (1983), at Bata, Bata . . . Pa’no Ka Ginawa? (1984), liban pa sa mga Palanca na nakamit niya para sa mga maiikling kuwento.
Nagsusulat din siya sa telebisyon at pelikula. Dumanas na siya ng pagka ban ng sensor sa dulang Daga Sa Timba ng Tubig na idinerehe ni Lino Brocka. Ang Sakada na pelikulang tumatalakay sa kalagayan ng mga sugar workers at pinagtulungan nila ng isa pang screenwriter, si Oscar Miranda, ay kinumpiska ng militar sa mga unang taon ng martial law. Gayunman, ang unang solong pelikula niya, ang Bulaklak sa City Jail, ay nagkamit ng karangalang best story at best screenplay sa Metro Manila Film Festival sa taong 1984 at best screenplay sa Film Academy Awards.
Noong 2017, pinarangalan siya ng Gawad Dangal ni Balagtas ng Komisyon sa Wikang Filipino
PRODUCT DETAILS
Article: 100000174207
ISBN/GTIN: 9789712737824
Origin: Local
Item Weight: 0.2 kg
Length: 20.3 cm
Width: 12.7 cm
Height: 2 cm
DELIVERY INFORMATION
Standard shipping typically takes 3–5 business days for Metro Manila and 7 or more days for provincial areas. Please note that Pre-Orders and Special Orders have unique delivery schedules. While we strive for speed, deliveries may be adjusted during holiday peaks or for the safety of our team during natural calamities.
EARN SULIT COINS CASHBACK
1. Log-in to lakingnational.com or the laking national app
2. Go to the Earn Sulit Coins page and enter the sales invoice details attached upon delivery
3. Cashback from your online purchase will be credited to your Sulit Coins balance.
4. Use of Sulit Coins for online purchase is currently unavailable.